DIOSDADO MACAPAGAL
Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril
21, 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre
30,1961 - Disyembre
30, 1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika
ng Pilipinas (Disyembre
30, 1961-Disyembre
30,1965).Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin.
Tinagurian
si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil
anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao,
Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan.
Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio
Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng
Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la
Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.
Nagtapos siya ng elementarya mula
sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng
Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas. Nagkamit
siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng
Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.
Naging unang asawa niya si Purita de
la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si
Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado
Macapagal Jr..
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming
nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si
Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon
ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at
ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng
1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.
Humalili siya bilang pangulo ng
Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.
ELPIDIO QUIRINO
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero
29, 1956) ay isang
pulitiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948-Disyembre
30, 1953).
Isinilang
si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino
at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
(University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa
Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong
1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang
pangulo siya ni Manuel
Roxas noong 1946. At
nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.
Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang
itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga
industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa
atake sa puso noong Pebrero
29,1956 sa
gulang na 66.
RAMON MAGSAYSAY
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón
"Monching" Magsaysay[1] (Agosto 31, 1907 – Marso
17, 1957) ay ang
ikapitongPangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1953-Marso
17, 1957).
Si
Magsaysay ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina
Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas
at Jose Rizal College.
Naglingkod
siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang
Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at
Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang
kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap.
Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging
napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo
niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas
ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang
pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista.
Si Luis Taruc, Supremo
ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si
Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ang
pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng
pamahalaan. Subalit nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa
pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa isang bundok sa Manunggal, Cebu
noong Marso 17, 1957.
CARLOS P. GARCIA
Isinilang si Garcia noong
Nobyembre 4, 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang
kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral
siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos
din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging
abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na
kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932. Nagsilbi si Garcia bilang gobernador
ng Bohol mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro siya ng Senado mula 1942
hanggang 1953.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumaban
siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang
tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging
puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Pangalawang Pangulo na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, na
dating bumuo at namuno sa isang pwersang gerilyang lumaban sa pananakop ng mga
Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay
naging bise presidente at Kalihim ng Ugnayang Panlabas.
Noong Marso 1957 si Garcia ay
naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano,
at nagwagi rin siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957.
Habang nasa kapangyarihan, ang
Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang
mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng
Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at
ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng
CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.
Bukod sa kanyang mga nagawa
bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang
diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hulyo 1971 sa edad
na 75.
FERDINAND MARCOS
Si Ferdinand E. Marcos ang
Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Si Marcos ay isinilang
noong Setyembre
11,1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay
sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid,
sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging
kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang
dating guro sa kanilang bayan. Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na
siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa
elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong
gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa
pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng Mataas ng Paaralan noong 1933. Sa
pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit
niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation
Thesis. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng
Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate
at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing,
at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng
baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and
Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang
opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si
Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo
bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang
napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa
kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.
Nasa loob siya ng kulungan ng
maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya
sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong
ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng
Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the
year at hinangaan ng mga kapwa abogado.
Nang sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.
Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at nakaranas ng hirap at sakit bilang
bilanggo ng digmaan sa Kuta
Santiago at Capas, Tarlac. Naging
meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay. Nagsimula ang kanyang pagpasok sa
pulitika nang matapos ang digmaan. Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang
kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin. Nang
sumunod na halalan, 1953, ay muli
siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa
kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa
pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni Imelda na naging Miss Manila
(Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay ang pag- iibigan nina Ferdinand at
Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo
1, 1954. Sina
dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa kasal. Tatlo ang
kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene.
Hindi na napigil ang pag- imbulog
ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang
kongresista noong 1957 at senador naman noong 1959. Noong
Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si
Fernando Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas.
Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilang muli ang
bansang ito!”
Totoo sa kanyang slogan,
pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa mula sa mahirap na kalagayan
nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking suliranin tulad ng kakapusan ng
salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa, mga pagawain at para sa kalusugan.
Gayunman, nakapagpagawa siya ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa
ang tinatawag na miracle rice.
Ang mga magsasaka ay nabigyan ng
mga kaalamang teknikal ukol sa modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang
mga kalsada, tulay at School building. Nilabanan niya ang smuggling at
sinimulan ang pakikipaglaban sa mga NPA.
Nang sumapit ang sumunod na
halalan noong 1969, muling
nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit
sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan
dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis
at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom.
Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at
eskandalo.
Nagkaroon ng madadalas at
malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan.
Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola.
Noong Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili
ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Partidong Liberal oLiberal
Party sa Plaza Miranda noong
Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis
ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at
pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga
manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng
Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.
Noong Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang
referendum noong Enero
19, 1973.
Totoong nabawasan ang
kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming
ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno.
Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan
tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno.
Hindi rin nakaligtas sa mata ng
mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito.
Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay hindi na dapat
namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa.
Sa panahong ito ng Batas Militar
ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap
na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng
pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo
ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts
Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na
hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang
pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.
Gayunman ay hindi nawala ang
takot sa mga mamamayan. Maraming mga opisyal ng pamahalaan at mga military ang
kinatakutan ng mga tao adahil umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit
ang militar sa karapatang pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at
magasin pati na ang mga istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa
radyo at telebisyon ay pawing mga papuri sa gobyerno.
Nagkaroon ng pakunwaring wakas
ang Batas Militar noong Enero
17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos.
Sa kabila ng pagtatapos ng
Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa
bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng
Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang
kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero
7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino
na Mahigpit niyang tagatuligsa.
Ayon sa Comelec ay nanalo si
Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si
Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel
Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya
dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At
naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos.
Si Marcos, ang kanyang pamilya at
ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan
ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.
Namatay si Marcos noong Setyembre
28,1989.
No comments:
Post a Comment